You are here :  
Today is : Friday, 24 May 2013
The News
Petisyon Laban sa Money Ban, Inihain sa Korte Suprema
News - Major News
Thursday, 09 May 2013 15:55

Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang Bankers Association of the Philippines laban sa money ban ng Comelec upang maiwasan ang vote buying.

Ito ay kahit naglabas na ng amendment ang Comelec sa naturang resolusyon.

 
Metro Manila at Luzon, Dumanas ng Malawakang Blackout!
News - Major News
Wednesday, 08 May 2013 07:43

Halos sabay-sabay nawalan ng kuryente sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit lalawigan, dakong alas dos ng hapon, kanina.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines  o  NGCP, nasa 40 hanggang 50 porsyento ng luzon grid ang nawalan ng kuryente.

 
Comelec, Kumambyo sa Money Ban
News - Major News
Wednesday, 08 May 2013 05:19

Kumambiyo agad ang Comelec sa isyu ng “money ban” sa pagsasabing muli nilang pag-aaralan ngayong araw ang resolusyon.

Ginawa ito ng poll body, isang araw matapos aprubahan ang money ban upang sugpuin ang vote buying sa nalalapit na halalan.

 
Malakanyang, Ipinagtanggol si Kris Aquino sa Akusasyon ng Vote Buying
News - Major News
Wednesday, 08 May 2013 05:16

Ipinagtanggol ng Malakanyang si presidential sister at TV host/ actress Kris Aquino.

Ito’y matapos sabihin ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na posibleng managot ang bunsong kapatid ni Pangulong Noynoy Aquino dahil sa pagbili ng boto.

 
Comelec, Itinangging Nagbayad ng $10M para sa Source Code
News - Major News
Wednesday, 08 May 2013 05:14

“Kasinungalingan.”

Bwelta ito ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. sa mga nagsabing gumastos sila ng 10 million dollars para ma-secure ang source code para sa precinct count optical scan  o  PCOS machines na gagamitin sa halalan sa Lunes.

 
4 na Pinoy PeaceKeepers, Dinukot sa Golan Heights
News - Major News
Wednesday, 08 May 2013 05:12

Sa ikalawang pagkakataon sa loob ng dalawang buwan, apat na Filipino peacekeepers ang dinukot ng Syrian rebels sa Golan Heights.

Kinumpirma ni United Nations Peacekeeping Spokeswoman Josephine Guerrero na mula ang apat na peacekeepers sa Philippine battalion.

 
Lalaki, Nagpakamatay sa MRT Station sa Makati City
News - Major News
Wednesday, 08 May 2013 04:55

Isang lalaki ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagpapapasagasa sa MRT, sa Makati City, kaninang pasado alas-8 ng umaga ng Myerkules.

Ayon kay Makati Police Chief, Senior Supt. Manuel Lukban, tumalon ang hindi pa nakikilang lalaki sa riles sa northbound ng MRT Guadalupe Station nang makita nitong paparating na ang tren.

 
<< Start < Prev 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 Next > End >>

Page 7 of 628

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000