You are here :  
Today is : Tuesday, 21 May 2013
The News
Iglesia ni Cristo, Inanunsyo na ang mga Inendorsong Kandidato
News - Major News
Monday, 06 May 2013 07:14

Inilabas na ng Iglesia ni Cristo  o  INC ang listahan ng kanilang susuportahang senatorial candidates sa May 13 elections.

Pito mula sa Team PNoy habang lima mula sa United Nationalist Alliance ang pinili ng religious group na kanilang susuportahan sa halalan.

 
Pinsala ng Chinese Vessel sa Tubbataha Reef, Mas Malaki Kaysa sa Nagawa ng USS Guardian
News - Major News
Monday, 06 May 2013 07:11

Mas malaki ang pinsala ng sumadsad na Chinese fishing vessel sa Tubbataha Reef kumpara sa US navy ship na USS Guardian.

Sinabi ni Angelique Songco, head ng Tubbataha Management Office, na nasa 3,902 square meters ng corals ang sinira ng F/V Min Long Yu sa world heritage site.

 
Asawa ni Lemery, Iloilo Mayor Ligaya Apura, Patay sa Pananambang
News - Government
Monday, 06 May 2013 05:00

Patay ang asawa ni Lemery, Iloilo Mayor Ligaya Apura matapos tambangan ng mga hindi nakilalang lalaki.

Sa inisyal na report, nagtungo si Jun Apura sa barangay anabo makaraang makatanggap ng impormasyon na may shootout umano sa lugar.

 
Malakanyang, Nanawagan sa mga Tagasuporta ng mga Kandidato na Huwag Maging Marahas
News - Major News
Monday, 06 May 2013 04:58

Nanawagan ang Malakanyang sa mga tagasuporta ng mga kandidato lalo na sa mga tumatakbo sa lokal na iwasan ang kaharasan lalo na ngayong malapit na ang halalan.

Ginawa ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte ang panawagan kasunod ng mga karahasan na kinasangkutan ng mga supporter ng mga lokal na kandidato, lalo na sa Metro Manila, nitong weekend.

 
Mancao, Aalisin na sa Witness Protection Program
News - Major News
Monday, 06 May 2013 04:19

Aalisin na ni Justice Secretary Leila de Lima sa  Witness Protection Program si dating Senior Supt. Cezar Mancao II na itinuturing na ngayong pugante.

Ayon kay de lima, lalagdaan nito ngayong araw na ito ang mga papeles sa pag-aalis kay Mancao sa WPP bilang proteksyon na rin sa integridad ng programa.

 
Pilipinas, Muling Pumangatlo sa mga Bansang Delikado sa Mamamahayag
News - Major News
Friday, 03 May 2013 07:48

 

Sa ika-apat na sunod na taon, pumangatlo ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamataas na kaso ng mga pinaslang na mamamahayag, base sa listahan ng Committee to Protect Journalists   o   CPJ.

Nakapagtala ang bansa ng 55 unresolved cases sa 94.9 million population   o   katumbas ng 0.58 percent.

 

 
DILG Sec. Mar Roxas, Handang Bigyan ng Proteksyon si Mancao
News - Major News
Friday, 03 May 2013 07:46

Handa si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na ibigay kay dating Senior Supt. Cezar Mancao ang custodial preference nito sa sandaling sumuko ito sa mga otoridad.

Sinabi ni Roxas na maaring pumili si mancao na maisailalim sa kustodiya ng National Bureau of Investigation  o  sa ibang lugar kung saan sa palagay nito ay mas ligtas siya.

 
<< Start < Prev 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 Next > End >>

Page 6 of 626

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000