You are here :  
Today is : Saturday, 25 May 2013
The News
PRC Commissioner, Sinibak ng Ombudsman
News - Major News
Friday, 17 May 2013 02:23

Ipinag-utos ng Ofice of the Ombudsman ang pagsibak kay Commissioner Alfredo Po ng Professional Regulatory Commission o  PRC.

Si Po ay napatunayang guilty sa kasong grave misconduct at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards of Public Officials and Employees in relation to bribery charges.

 
Proklamasyon ng Anim na Nanalong Senador, Kinuwesyon
News - Major News
Friday, 17 May 2013 02:19

Kaduda duda para sa isang kilalang election lawyer ang naging proklamasyon sa nanalong anim na senador.

Ayon kay Atty Romulo Macalintal, hindi malinaw ang naging batayan ng Commission On Elections sa proklamasyon.

 
Nancy Binay, Hindi Sumipot sa Kanyang Proklamasyon Bilang Senador
News - Major News
Friday, 17 May 2013 02:07

Hindi dumalo si Nancy Binay ng United Nationalist Alliance  sa proklamasyon niya bilang isa sa unang anim na mga senador na nanalo sa katatapos na 2013 midterm elections.

Ang hindi umano pagsipot ni Binay ay may kinalaman sa paghahain ng mosyon ng UNA na nagpapatigil sa proklamasyon.

 
Anim na Nanalong Senador, Naiproklama na!
News - Major News
Friday, 17 May 2013 01:52

Naiproklama na ang unang anim na senador na uupo sa 16th congress na magbubukas sa Hulyo 22.

Ito'y sa kabila ng pagpapatuloy pa ng canvassing ng mga boto ng Comelec na nagsisilbing national board of canvassers.

 
12 Nanalong Kandidato sa Pagkasenador, Ipoproklama sa Myerkules ng Gabi
News - Major News
Tuesday, 14 May 2013 07:36

Inaasahan ng Comelec na maipo-proklama na ang lahat ng labindalawang nanalong senatorial candidates, Myerkules ng gabi.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., ala-siyete  o  ekasaktong 48 oras matapos magsara ang voting period ay inaasahang maipo-proklama na ang pumasok sa Magic 12.

 
Tensyon sa Bahay ng mga Revilla sa Cavite, Pinaiimbestigahan ng DOJ
News - Major News
Tuesday, 14 May 2013 06:51

Inatasan na ni DOJ Secretary Leila de Lima si NBI Director Nonatus Rojas na imbestigahan ang insidente ng kaguluhan sa bahay nina Senador Bong Revilla kahapon.

Kasabay nito, sinabi ni de Lima na ipinatawag na rin nya ang hepe ng NBI-Cavite at lawyer-agent na nanguna at nasangkot sa nasabing insidente.

 
Erap at Isko, Naiproklama na Bilang Mayor at Vice Mayor ng Maynila
News - Major News
Tuesday, 14 May 2013 05:17

Pormal nang naiproklama sina dating pangulong Joseph Estrada at running-mate nitong si Isko Moreno bilang alkalde at bise alkalde ng Maynila.

Tinalo ng dating pangulo ang re-electionist mayor na si Alfredo Lim at katandem nitong si Lou Veloso.

 
<< Start < Prev 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 Next > End >>

Page 4 of 603

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000