You are here :  
Today is : Wednesday, 19 June 2013
PNOY, Hands-off sa Hacienda Luisita Deal!
News - Major News
Monday, 09 August 2010 13:00

Hindi nakialam si Pangulong Noynoy Aquino sa Hacienda Luisita deal na nilagdaan ng Pamilya Cojuangco at mga kinatawan ng mga magsasaka.

Ayon kay presidential spokesman Edwin Lacierda, katunayan ay walang alam ang pangulo sa detalye ng compromise agreement na pinirmahan noong Biyernes.

Umapela rin si Lacierda sa mga tutol sa kasunduan na ipaubaya na lamang ang kaso sa Korte Suprema na nagtakda ng oral argument sa ika-18 ng Agosto.

Samantala, mayorya ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita sa Tarlac ang pinili ang stock distribution kumpara sa maliit na bahagi ng lupain sa asyenda ng Pamilya Cojuangco.

Sa census na isinagawa noong Biyernes hanggang kahapon, 7302 ang pumili sa stock distribution habang isandaan tatlumpu’t siyam lamang ang nais ng land distribution.

Biyernes nang lagdaan ng mga may-ari ng Hacienda Luisita at mga kinatawan ng alyansa ng mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita  at  United Luisita Workers Union ang compromise aagreement.

 

Related News

Live Video Streaming

typhoon 2000