| Labing-isang Flights ng PAL, Nakansela sa Pagbibitiw ng mga Piloto! |
| News - Major News |
| Saturday, 31 July 2010 02:42 |
|
Kinansela ng Philippine Airlines (PAL) ang labing-isang domestic at international flights ngayong Sabado makaraang biglaang magsipagbitiw ang ilan sa mga piloto ng flag-carrier. Ilan sa mga domestic flights na nakansela ay patungo sa Bacolod City (PR 133), Cebu (PR 843), Iloilo (PR 147) at Cagayan (PR 181) habang ang iba pang apat na local flights ay manggagaling sa Cebu (PR 344), Cagayan (PR 182), Bacolod (PR 134) at Iloilo (PR 148).
Tatlong international flights patungo at pabalik mula sa Hong Kong ang nakansela. Ayon kay PAL spokesman Jonathan Gesmundo, ang mga nagsipagbitiw na piloto ay mula sa 8320 aircrafts at kulang na sila ng flight deck crew upang magpalipad nito. Hindi binanggit ni Gesmundo kung ilang piloto ang nagbitiw ngunit naiulat na pito ang umalis ng PAL. Nilinaw din ni Gesmundo na ang pagbibitiw ng mga piloto ay walang kinalaman sa labor dispute sa PAL Employees' Association o PALEA.
|










