You are here :  
Today is : Wednesday, 19 June 2013
Giant Photo Mosaic ni Tita Cory, Tampok sa Paggunita ng Anibersaryo ng Pagyao ng Dating Pangulo!
News - Major News
Friday, 30 July 2010 03:30


Ilaladlad sa Quirino Grandstand sa Sabado,  ang giant photo mosaic ni dating Pangulong Cory Aquino bilang bahagi ng paggunita sa death anniversary nito sa Agosto a-uno.

Nagkakahalaga ng 2 milyong piso ang tarpaulin na sinagot ng mga private sponsors.

Tatagal ng pitong araw ang pagbalandra ng giant mosaic na puspusang inihahanda ng mga organizers.

Dahil sa sukat na 250 by 200 feet na katumbas ng 10 NBA size na basketball court, sinasabing balak ng ilang grupo na talunin ang photo mosaic na nasa Guinness Book of World Records na may sukat lamang na 93 feet by 68.

Kasama ni Pangulong Noynoy Aquino ang isandaang  atleta na hahawak sa gilid ng tarpaulin habang inilalatag ito.

Bilang bahagi pa rin ng pagkilala at paggunita sa kamatayan ng tinaguriang icon of democracy, may ibebenta ring iba't ibang souvenirs.

Gaya lamang ng Cory dolls na nagkakahalaga ng 850 pesos;  Cory watch na mabibili sa  halagang 650 pesos;  pamaypay, 350 pesos;  150 pesos  na poster at payong na 200 pesos.

Tampok din ang PNOY at Aquino sisters dolls.

Ang proceeds ay mapupunta sa Cory at Ninoy Aquino foundation.

 

Comments  

 
0 #1 2010-07-30 12:54
Can you pls advise the time of this ceremony. Thank you.
 

Live Video Streaming

typhoon 2000