You are here :  
Today is : Wednesday, 22 May 2013
6 na Opisyal ng Comelec, Sinuspinde ng Ombudsman sa Umano'y Overpriced Secrecy Folder Contract!
News - Major News
Thursday, 29 July 2010 08:41

Pinatawan ng anim na buwan na preventive suspension ng Ombudsman ang anim na opisyal ng Commission on Elections na iniugnay sa naunsyaming kontrata ng ballot secrecy folders na gagamitin sana noong eleksyon na nagkakahalaga ng 690 million pesos.

Kabilang sa mga sinuspinde sina Comelec Executive Director Jose Tolentino, Bids and Awards Committee (BAC) Chief Maria Lea Alarkon,  at mga myembro ng BAC na sina Allen Francis Baya, Maria Norina Tangaro - Casingal, Martin Niedo at Antonio Santella.

Sinabi ni Ombudsman Merceditas Gutierrez na may sapat na basehan para patawan ng suspensyon ang mga nabanggit na opisyal.

Ayon kay Comelec Commissioner Rene Sarmiento, magiging epektibo ang suspensyon ng anim sa Byernes.

Una nang inirekomenda ng Ombudsman na kasuhan ang mga naturang opisyal ng Comelec sa paglabag sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Ilan pa sa mga kasong posibleng kaharapin ng mga ito ay Dishonesty, Gross Neglect of Duty, Grave Misconduct and Conduct Prejudicial to the Best Interest of Public Service.

Ang One Time Carbon o OTC Paper Supply ang nanalong bidder sa naturang kontrata.

Sa imbestigasyon naman ng Comelec law department, sa pangunguna ni Ferdinand Rafanan, dapat managot din sina Comelec Chairman Jose Melo at iba pang commissioners sa pag-apruba ng naturang kasunduan.

 

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000