You are here :  
Today is : Monday, 06 September 2010
Chavit Singson, Kinumpirma ang Pagkaaresto ng Kongresistang Anak sa Hong Kong sa Posesyon ng Droga!
News - Major News
Saturday, 24 July 2010 13:10

Kinumpirma ni dating Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson na inaresto ang kanyang anak na si Ilocos Sur Cong. Ronald Singson sa pagkakaroon nito ng droga sa Hong Kong International Airport noong ika - 11 ng Hulyo, 2010.

Humingi ng paumanhin si Singson at sinabing hindi magandang ehemplo ang naturang insidente na kinasangkutan ng kanyang anak.

Gayunman, idinepensa pa rin ng ama ang anak sa pagsasabing posibleng nasulsulan lamang ito at umaasa siyang ma-deport ang kongresista dahil maliit na bagay lamang aniya ang nahuli sa kanya.

Walang naibigay na detalye si Singson sa pagkakahuli ng anak ngunit tiniyak nito na hindi niya gagamitin ang kanyang impluwensya sa kaso.

Gayunman, una nang napaulat na nahulihan si Singson ng 26 gramo ng cocaine at dalawang tableta ng valium.

Ayon kay Singson, nagtungo sa abroad si Ronald matapos makipaghiwalay sa girlfriend nitong aktres na si Lovie Poe.

 

 

Add comment


Security code
Refresh

Live Video Streaming

typhoon 2000