You are here :  
Today is : Monday, 20 May 2013
Kaso ng Hacienda Luisita, Tiniyak na Reresolbahin ng Korte Suprema!
News - Major News
Thursday, 08 July 2010 01:43

Tiniyak ni Chief Justice Renato Corona na kanyang reresolbahin ang kaso ng Hacienda Luisita.

Ayon sa punong mahistrado, nagtalaga na siya ng mahistrado na tututok sa land and labor dispute sa nasabing lupain para sa mabilis nitong desisyon.

Kontrobersyal ang Hacienda Luisita Case dahil mistula itong blackeye kay dating Pangulong Cory Aquino at ngayon ay kay Pangulong Noynoy.

Magugunitang sa kampanya ni PNOY ay kanyang ipinangakong ipamamahagi ang ilang bahagi ng lupain sa mga magsasaka makaraan ang limang taon.

Bukod sa isyu ng land distribution, may kaso pang karahasan ang Hacienda Luisita na kumitil sa 14 katao noong November 16, 2004.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000