| 50% Tapyas sa Pork Barrel ng mga Kongresista, Inihirit! |
| News - Major News |
| Wednesday, 07 July 2010 07:25 |
|
Isinulong ni Lakas-Kampi CMD Rep. Danilo Suarez ng Quezon ang pagtatapyas ng singkwenta porsyento sa Priority Development Assistance Funds o Pork Barrel ng mga kongresista. Gayunman, ipinaliwanag ni Suarez na ito ay sa kondisyong gamitin ng administrasyon ang partial line item budgeting sa mga proyekto ng gobyerno na matutukoy ng mga kongresista para sa kanilang mga distrito. “We agree to 35M if they go partial line item budgeting i-allow mo identify ano papagawa sa distrito total sila din naman magiimplement,” ani Suarez. Sinabi naman ni house deputy speaker Rep. Lorenzo Tanada III ng Liberal Party, isinulong din niya ang pagtapyas ng budget upang hindi na magpataw ng mga bagong buwis. Sinabi naman ni Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales II na mas madaling sabihin kaysa gawin ang pagtatapyas ng pork barrel dahil sa pangangailangang politikal ng mga kongresista. Nakadepende rin aniya ito sa pangangailangan ng bawat distrito.
|







