| BInay, Inalok ni Noynoy na Mamuno sa Imbestigasyon Laban kay PGMA! |
| News - Major News |
| Friday, 25 June 2010 07:16 |
|
Inalok ni President-Elect Noynoy Aquino si Vice President-Elect Jejomar Binay na pamunuan ang itatatag na ahensya na tututok sa judicial reform at imbestigasyon sa mga corruption scandal na iniuugnay kay Pangulong Gloria Arroyo. Sinabi ni Aquino na malaking halaga ang karanasan ni Binay bilang human rights lawyer sa ilalim ng Marcos regime para sa bagong government body.
Naniniwala ang bagong halal na pangulo na sa ilalim ng superbisyon ni Binay ay aangat ang conviction rate sa mga sangkot sa korapsyon.
Sa ngayon anya ay nasa labinwalong porsyento lamang ang conviction rate at walang “big fish” na naparurusahan. Una nang nagdesisyon si Binay na hindi na tatanggap ng anumang pwesto sa aquino administration kung hindi ibibigay sa kanya ang DILG. Umaasa naman si Aquino na magbabago ang desisyon ni Binay at tatanggapin ang bagong alok.
|








Comments
ilipino people who are very hungry for a CHANGE of our Gov't system!u are the most qualified person for ds task! go,go,go VP Binay!
RSS feed for comments to this post.