| Schedule ni Aquino sa Kanyang Inagurasyon, Plantsado Na! |
| News - Major News |
| Thursday, 24 June 2010 08:41 |
|
Plantsado na ang schedule ni President-Elect Noynoy Aquino sa araw ng kanyang inagurasyon, sa June 30. Alas-9 ng umaga ay inaasahang aalis si Noynoy sa kanyang bahay sa Times Street sa Quezon City patungong Malakanyang para sunduin si outgoing President Gloria Arroyo. Inaasahan namang aalis ng palasyo ang incoming at outgoing president, alas 10:40, lulan ng sasakyan na may plate number 1, patungong Quirino Granstand. 10:50 ay bibigyan ng hero’s welcome si Ginang Arroyo at pagkalipas ng limang minuto ay inaasahang aalis na ito ng granstand, lulan ng private vehicle. Eksakto alas-11 ay magsisimula ang programa habang 11:40 inaasahang manunumpa kay Supreme Court Associate Justice Conchita Carpio-Morales si Vice President Elect Jejomar Binay. Eksaktong 12:00nn manunumpa naman si Aquino kay Morales at ihahayag nito ang inaugural address pagkalipas ng sampung minuto. Aalis ng granstand ang binatang pangulo pagsapit ng ala una upang magtungo muli sa Malakanyang para sa tanghalian at kauna-unahang cabinet meeting. 8:20 PM naman ay inaasahang darating si Noynoy sa Quezon Memorial Circle para sa street party na dadaluhan ng maraming artista. |








Comments
RSS feed for comments to this post.