You are here :  
Today is : Friday, 24 May 2013
Lt. Gen. Bangit, Nagpaalam na sa AFP!
News - Major News
Tuesday, 22 June 2010 08:35

Nagpaalam na si Lt. Gen. Delfin Bangit sa AFP matapos ang 36 na taon sa serbisyo.

Pinalitan ito ni Lt. Gen. Nestor Ochoa ng PMA Class 77 bilang acting AFP Chief of Staff sa turnover ceremony, araw ng Martes.

Pinagkalooban si Bangit ng Legion of Honor Award ni Pangulong Gloria Arroyo.

Ang humaliling acting chief of staff na si Ochoa ay magreretiro sa Disyembre sa pagsapit nito sa ika-56 na kaarawan na mandatory age retirement sa AFP.

Samantala, tatlong payo ang iniwan ni Bangit sa kanyang pagreretiro.

Sa kanyang pagbisita sa lahat ng yunit sa AFP, piangbilinan ni Bangit ang mga sundalo na panatilihin ang pagiging professional at palagiang tupdin ang sinumpaan sa tungkulin.

Pinagbilinan nito ang mga sundalo na huwag umasa ng anumang kapalit sa serbisyo at sakripisyo.

Ang ikatlong payo nito ay alagaan ang pakikipag-kaibigan dahil magkakasama pa rin sila kahit wala na sila sa serbisyo.

Muli rin nitong pinaalalahanan ang mga sundalo na suportahan, sundin at irespeto ang susunod na AFP Chief of Staff at Commander-in-Chief.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000