| Rehabilitasyon ng Quirino Grandstand, Malapit Nang Matapos! |
| News - Major News |
| Tuesday, 22 June 2010 03:47 |
|
Siyamnapung (90) porsyento nang kumpleto ang rehabilitasyon sa Quirino Grandstand, sa Maynila, walong araw na lamang ang nalalabi bago ang inagurasyon ni President-Elect Noynoy Aquino. Sinabi ni Manila Mayor Alfredo Lim na ilang finishing touches na lamang sa gusali ang kailangan tapusin.
Kinumpirma rin ni Lim na kasama ito sa sasalubong kay Aquino sa inagurasyon bilang pagsunod sa protocol.
Kaninang alas-9 ng umaga ay muling nag-inspeksyon sa grandstand ang ilang miyembro ng transition team ni Aquino kasama ang alkalde. Samantala, kinumpirma ni Kris Aquino-Yap na si Charice Pempengco ang aawit ng Lupang Hinirang sa inagurasyon ng kanyang kapatid. Ginawa ni Kris ang kumpirmasyon matapos nitong sabihin noong nakaraang linggo na kabilang sa kanilang pinagpipiliang umawit ng national anthem si Arnel Pineda ng grupong journey. Abala rin ang TV host/actress sa paghahanda sa street party na inaasahang dadaluhan ng maraming artista, sa Quezon Memorial Cirle, sa gabi ng inagurasyon ni Noynoy.
|







