|
News -
Major News
|
|
Friday, 22 January 2010 04:18 |
|
Nilinaw ni AFP Public Affairs Office Chief, Lt. Col. Romeo Brawner Jr. na ang American search and rescue team lamang ang tumigil sa operasyon sa Caribbean Supermarket sa Haiti.
Sinabi ni Brawner na patuloy pa ang pagsisikap ng Filipino Peacekeepers upang mahanap ang dalawang Overseas Filipino Workers na sina Geraldine Lalican at Grace Fabian na na-trap sa gumuhong supermarket.
Ipinaliwanag ng opisyal na lumipat na ng ibang lugar ang American rescuers dahil wala nang makitang pag-asang may makukuha pang buhay sa supermarket subalit nananatili sa lugar ang ilang Filipino peacekeepers.
Inihayag naman ni Brawner na magsasagawa ng necrological services para sa apat na Pinoy na nasawi sa lindol sa logistics base ng UN Peacekeeping Stabilization Mission sa Port-Au-Prince, mamayang gabi.
Inaasahang maiuuwi ang bangkay nina Air Force Sgt. Janice Arocena, Army Sgt. Eustacio Bermudez, Navy Petty Officer 3 Pearlie Panangui at UN staff member Jerome Yap sa susunod na linggo. |