You are here :  
Today is : Saturday, 25 May 2013
AFP Chief of Staff Delfin Bangit, Mapapa-aga ang Pagreretiro!
News - Major News
Monday, 14 June 2010 07:45

Kinumpirma ni AFP Spokesman Lt. Col. Arnulfo Burgos na maghahain ng early retirement si AFP chief-of-staff Gen. Delfin Bangit.

Gayunman, sinabi ni Burgos na wala pa silang impormasyon sa eksaktong petsa ng napaagang pagreretiro ni Bangit.

Ito ang naging desisyon ni Bangit sa harap ng paninindigan ni President-Elect Noynoy Aquino na hindi ito ang kanyang magiging AFP chief.

Ayon kay Burgos, palagi namang sinasabi sa militar na ang chief-of-staff ay nagsisilbi sa kagustuhan o “at the pleasure of the president”.

Sinabi ni Burgos na sumusunod lamang sila sa mas nakakataas na commander in chief.

Ito aniya ay para sa ikabubuti ng AFP at matagal itong pinag-isipan ni bangit na nagsimula nang magpaalam sa mga unified commands, una na ang 2nd infantry division kung saan ito naging company commander, battalion commander at division commander bago maging army chief at chief of staff.

Kung sakaling hindi pa umano nakapagretiro si Bangit bago ang panunumpa ni Aquino sa June 30, magtatalaga ng isang acting chief of staff.

Sa July 11, 2011 pa sasapit si Bangit sa edad na 56 na retirement age sa military.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000