You are here :  
Today is : Saturday, 25 May 2013
Aquino Administration, Ligtas sa Kudeta!
News - Major News
Friday, 11 June 2010 06:15

Walang batayan ang sinasabing posibilidad ng kudeta laban kay President-Elect Noynoy Aquino dahil sa paninindigan nitong palitan si Lt. General Delfin Bangit bilang AFP Chief of Staff.

Ito, ayon kay Military Bishop Leopoldo Tumulak, ay dahil “professional soldier” si bangit at hindi na rin madaling buyuin ang mga sundalo.

Tiwala si Tumulak na gagampanan ni Bangit ang kanyang sinumpaang tungkulin kasunod ng paninindigan nitong mananatiling lider ng Sandatahang Lakas hanggang Hunyo 30.

Sinabi ni Tumulak na makikipag-ugnayan siya kay Bangit upang alamin ang tunay nitong nararamdaman.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000