| President-Elect Noynoy Aquino, Binati na ni Pangulong Gloria Arroyo! |
| News - Major News |
| Thursday, 10 June 2010 08:15 |
|
Binati na ni outgoing President Gloria Arroyo si President-Elect Noynoy Aquino. Kinumpirma ng kauna-unahang binatang pangulo na tinawagan ito ni Ginang Arroyo at tumagal lamang ng hanggang limang minuto ang kanilang pag-uusap. Hindi naman binanggit ni Aquino kung kailan at anong oras sila nag-usap ng papaalis na pangulo. Ayon naman kay Press Secretary Crispulo Icban, nangyari ang pag-uusap kaninang umaga, pagdating ng pangulo mula sa World Expo sa Shanghai, China Bukod sa tawag sa telepono, nagpaabot din ng pagbati si Ginang Arroyo kina Aquino at Vice Presidential-Elect Jejomar Binay sa pamamagitan ng advertisement sa ilang pahayagan. Nanawagan din ang outgoing president sa mga Filipino na suportahan ang mga bagong lider ng bansa. Samantala, walang nakikitang dahilan ang Malakanyang na makipag-usap sa administrasyong Aquino para sa rekonsilyasyon. Iginiit ni Presidential Spokesman Ricardo Saludo na wala silang ginagawang masama sa kampo ni President-Elect Noynoy Aquino o kahit kanino kaya’t wala silang dapat ihingi ng tawad. Hindi rin naniniwala ang palasyo na kaaway ang turing ni Aquino kay Pangulong Arroyo. Ayon kay Saludo, si Aquino mismo ang nagsabi na mahalaga ngayon ang pagkakaisa at pagsulong ng bansa sa halip na maghamon ng away. |







