You are here :
Today is : Thursday, 23 May 2013
--- Php 42M, Inilaan para sa Bangsamoro Transition Commission --- Malakanyang, Tututukan ang Pagdami ng mga Nagugutom sa Bansa --- Malakanyang, Wala Pang Planong Pauwiin ang mga Pinoy sa Taiwan at Magreklamo sa UN --- Mga Pinoy, Ligtas sa Pananalasa ng Buhawi sa Oklahoma USA --- Comelec, Planong Ipagpaliban ang Barangay Elections sa Oktubre --- 12 Bagong Set ng mga Senador, Naiproklama na! --- Pilipinas, Umapela sa Taiwan na Irespeto ang Karapatan ng mga Pinoy Worker --- Comelec Chairman Sixto Brillantes, Muling Nagbanta na Magbibitiw sa Pwesto --- DOLE, Itinangging May Freeze Order ang Taiwan sa mga OFW --- 94, Arestado sa Vote-Buying ---
| Obama, Tinawagan na si Aquino |
| News - Major News |
| Thursday, 10 June 2010 02:57 |
|
Tinawagan ni US President Barack Obama si President-elect Benigno Simeon Aquino III para batiin sa pagkapanalo nito bilang ika-15 pangulo ng Pilipinas. Kinumpirma ni US Embassy Spokesperson Rebecca Thompson na tinawagan ni Obama si Aquino sa bahay nito sa Times Street, sa Quezon City, pasado 9 PM kagabi. Sinabi ni Thompson na nagpaabot din ng pagbati ang kanilang pangulo kay Vice President-Elect Jejomar Binay. Binati rin aniya ni Obama ang Filipino sa tagumpay ng kauna-unahang nationwide automated elections noong Mayo a-diyes. Nagpaabot din ng pagbati si US Secretary of State Hilary Clinton kay Aquino kasabay ng pagsasabing maipagmamalaki ng mga Filipino ang demokrasya sa Pilipinas. |







