| President-Elect Noynoy Aquino at Vice President – Elect Jejomar Binay, Proklamado Na! |
| News - Major News |
| Wednesday, 09 June 2010 09:48 |
|
Makaraan ang pagbibilang ng resulta ng May 10 elections, naiproklama na ng Kongreso sina Senador Simeon Benigno “Noynoy” Aquino III bilang susunod na pangulo ng bansa habang si Makati City Jejomar Binay naman bilang bise presidente. Natapos ang proklamasyon 3:45 ng hapon sa pangunguna nina Senate President Juan Ponce Enrile at House Speaker Prospero Nograles matapos walang maging objection mula sa mga senador at kongresista sa resulta ng canvassing.
Bago ang proklamasyon, nagtalumpati sina Senador Jinggoy Estrada, Congressman Matt Defensor at Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr maging si Senador Juan Miguel Zubiri. Binasa ni Jinggoy ang pahayag ng kanyang ama na nananawagan ng suporta para kay Aquino. Sa final at official tally, lamang si Aquino ng 15,208,678 votes o lamang ng 5.7 milyong boto laban kay dating pangulong Joseph Estrada na nakakuha ng 9,487,837 votes. Sinabi naman ni Pimentel na ikinatutuwa niyang sa araw naganap ang proklamasyon hindi sa hatinggabi na mga mangkukulam lamang aniya ang naipoproklama. Naging mainit ang pagtanggap kina Aquino at Binay sa loob ng Kongreso at sinamahan sila ng kani-kanilang mga kamag-anak sa rostrum ng Batasang Pambansa. Matapos ito ay sumalang si Aquino sa unang press – conference bilang president - elect. |







