| Iba't-ibang Personalidad, Dumagsa sa Proklamasyon nina Aquino at Binay! |
| News - Major News |
| Wednesday, 09 June 2010 07:19 |
|
Pasado 1 PM nang magsimulang dumagsa sa Batasan Pambansa, sa Quezon City ang iba’t-ibang personalidad para saksihan ang proklamasyon nina President-Elect Noynoy Aquino at Vice President-Elect Jejomar Binay. Kabilang sa mga maagang dumating sina Senate President Juan Ponce Enrile, Comelec Chairman Jose Melo, Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal. Maaga ring dumating ang tatlong kapatid na babae ni Aquino na sina Ballsy, Viel at Pinky at ang girlfriend nito na si Valenzuela Councilor Shalani Soledad. Dumating din ang bayaw na PBA player na si James Yap habang ang misis nitong si Kris Aquino-Yap ay huling dumating habang nagsasalita si Sen. Jinggoy Estrada. Maging ang ilang taga-showbiz ay dumalo rin gaya nina Charo Santos-Concio ng ABS-CBN, Mother Lily Monteverde ng Regal Films, singer Ogie Alcasid at aktor na si Dingdong Dantes. Nangibabaw naman ang kulay dilaw sa Batasan na signature at campaign color nina Aquino at Binay sa pagdagsa ng kanilang mga tagasuporta.
|







