You are here :  
Today is : Saturday, 25 May 2013
Aquino - Binay, Handa na sa Proklamasyon!
News - Major News
Wednesday, 09 June 2010 03:59

Hindi lumabas ng bahay si incoming President Noynoy Aquino, kaninang umaga o ilang oras bago ang proklamasyon sa kanya.

Nanatili lamang si Aquino sa kanilang tahanan sa Times Street sa Quezon City habang patuloy ang pagtanggap  ng mga bisita.

Isang madre na nakilalang si Millet Go ang nag-iwan ng prayer booklet at rosary sa gate ng bahay ni Aquino at ipinangakong ipagdarasal ang susunod na pangulo.

Binuksan naman ni incoming Vice President Jojo Binay sa mga mamamahayag ang kanyang bahay sa Barangay San Antonio sa Makati City.

Dumalo rin ito sa misa sa lungsod at inaming excited na siya sa proklamasyon, mamayang hapon.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000