You are here :
Today is : Friday, 24 May 2013
--- OFWs pasok na ulit sa Taiwan --- Rep. Manny Pacquiao, PInakamayaman Kongresista parin --- Taskforce para sa pagnenegosyo itinatag ng pangulong Aquino --- Unang 14 na Partylist iprinoklama na ng Comelec --- Tuition fee hike ikinabahala ng palasyo --- PST batas na! --- Php 42M, Inilaan para sa Bangsamoro Transition Commission --- Malakanyang, Tututukan ang Pagdami ng mga Nagugutom sa Bansa --- Malakanyang, Wala Pang Planong Pauwiin ang mga Pinoy sa Taiwan at Magreklamo sa UN --- Mga Pinoy, Ligtas sa Pananalasa ng Buhawi sa Oklahoma USA ---
| Kwesyon sa mga Hindi Nabilang na Boto sa Pagka-Bise Presidente, Hindi Papatulan ng Kongreso! |
| News - Major News |
| Thursday, 03 June 2010 08:41 |
|
Hindi papatulan ng Joint Congressional Canvassing Committee ang isyu ng “null votes” o mga hindi binilang na boto sa pagka- bise presidente. Sa halip, pinayuhan ni Speaker Prospero Nograles, co-chairman ng komite ang kampo ni Vice Presidential Candidate, Senador Mar Roxas na maghain ng petisyon sa Presidential Electoral Tribunal. Binigyan-diin ni Nograles na ang pagtalakay sa null votes ay hindi kabilang sa trabaho ng special canvassing committee. Sa computation ng mga abogado ni Roxas, umabot sa 2.6 million ang nabaliwalang boto sa pagka-bise presidente. Ilan sa mga dahilan nito ay dalawang kandidato ang ibinoto ng botante at lumagpas sa oval ang shade. |







