You are here :  
Today is : Tuesday, 18 June 2013
PAG-ASA, Hindi Pa Magdedeklara ng Tag-Ulan!
News - Major News
Thursday, 03 June 2010 02:59

Hindi pa sapat ang dami ng ulan na bumuhos sa nakalipas na dalawang araw para ideklara ng PAGASA na nagsimula na ang rainy season.

Ipinaliwanag ni PAGASA weather forecaster Rene Paciente na isa sa criteria  o  batayan sa pagdedeklara ng rainy season ay kapag umabot sa 1 millimeter ang volume ng ulan na bumuhos sa loob ng tatlong sunod na araw.

Aniya, kahit lima lamang sa kanilang weather stations ang makaabot sa naturang criteria ay maari na silang magdeklara ng tag-ulan.

Kabilang sa weather stations ng pagasa na nagmo-monitor sa buhos ng ulan ay matatagpuan sa Laoag City, sa Ilocos Norte;  Vigan, sa Ilocos Sur;   Dagupan City, sa Pangasinan; Iba, sa Zambales; San Jose, sa Occidental Mindoro  at  Metro Manila.

Nilinaw din ni Paciente na ang nararanasang pag-ulan sa Metro Manila ay dulot ng low pressure area at monsoon trap sa Northern Luzon.

 

Live Video Streaming

typhoon 2000