| Aquino, May Napili nang Magiging Executive Secretary! |
| News - Major News |
| Monday, 31 May 2010 08:36 |
|
Tinukoy na ni president apparent, Senador Noynoy Aquino ang kanyang executive secretary. Sa katauhan ito ng kanyang matagal nang kaibigan na si Paquito “Jojo” Ochoa Jr. na kasalukuyang administrator ng Quezon City, simula 2001.
Si Ochoa, 49, na magiging little president ay legal counsel ni Aquino noon pang 1998 nang mahalal ito bilang kinatawan ng Tarlac. Nagtapos ito ng economics sa UST at abogasya sa Ateneo de Manila. Hindi naman itinanggi ni Ochoa na malapit din ito sa pamilya Marcos na mortal na kaaway ng mga Aquino. Ito ay dahil si Louise Araneta-Marcos na asawa ni Senator-Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay partner ni Ochoa sa Marcos, Ochoa, Serapio and Tan Law Firm.
|





