| Canvassing sa Kongreso, Nagpapatuloy! |
| News - Major News |
| Friday, 28 May 2010 08:37 |
|
Nagpapatuloy ang Joint Congressional Canvassing Committee sa pagbibilang ng mga boto sa pagka-presidente at bise presidente. Pasado ala una kanina nang simulan ng 18-member special canvassing committee ang ikalawang salvo ng bilangan, sa Batasan Pambansa. Kabilang sa mga unang isinalang sa canvassing kanina ang certificates of canvass sa overseas absentee voting mula sa Czech Republic, the Netherlands, South Korea, Japan, East Timor at China. Dumating din sa Batasan Complex ang ikatlong set ng certificates of canvass at election returns para sa pagpapatuloy ng pagbibilang ng mga boto sa pagka-presidente at bise presidente, kaninang pasado alas dose. Ang labinlimang ballot boxes ay naglalaman ng election documents mula sa Brazil, Chile, Colombia, Guyana, Peru, Kenya at the Netherlands Antilles. Kasama din sa mga bagong dating na ballot box ang COC mula sa San Pablo City, sa Laguna. Ang ballot boxes ay ibiniyahe patungong Kamara sa Quezon City mula sa Senado sa lungsod ng Pasay. |





