You are here :  
Today is : Sunday, 19 May 2013
Paninigarilyo ni President-in-waiting Noynoy Aquino, Security Risk Ayon sa DOH!
News - Major News
Tuesday, 25 May 2010 04:08

Posibleng magresulta sa problema sa seguridad ni president-apparent Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III ang paninigarilyo.

Ayon kay Health Secretary Esperanza Cabral, mahirap para sa presidential security group na i-secure si Aquino kung naninigarilyo ito sa labas ng kanyang tanggapan.

Ipinaliwanag ni Cabral na alinsunod sa batas, papayagan lamang ang paninigarilyo sampung metro ang layo sa government buildings, kabilang ang Malakanyang.

Alinsunod din sa Civil Service Commission Memorandum Circular 17 na nilagdaan ni dating Chairman Ricardo Saludo noong Mayo 29, 2009, idineklara lamang smoking areas ang mga open space at dapat ay sampung metro ang layo ng mga naninigarilyo sa entrances at exits ng mga tanggapan ng gobyerno.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000