You are here :
Today is : Wednesday, 22 May 2013
--- Malakanyang, Wala Pang Planong Pauwiin ang mga Pinoy sa Taiwan at Magreklamo sa UN --- Mga Pinoy, Ligtas sa Pananalasa ng Buhawi sa Oklahoma USA --- Comelec, Planong Ipagpaliban ang Barangay Elections sa Oktubre --- 12 Bagong Set ng mga Senador, Naiproklama na! --- Pilipinas, Umapela sa Taiwan na Irespeto ang Karapatan ng mga Pinoy Worker --- Comelec Chairman Sixto Brillantes, Muling Nagbanta na Magbibitiw sa Pwesto --- DOLE, Itinangging May Freeze Order ang Taiwan sa mga OFW --- 94, Arestado sa Vote-Buying --- PRC Commissioner, Sinibak ng Ombudsman --- Proklamasyon ng Anim na Nanalong Senador, Kinuwesyon ---
| COCs at ERs, Inililipat na sa Batasang Pambansa! |
| News - Major News |
| Tuesday, 25 May 2010 04:06 |
|
Nailipat na sa Batasan Pambansa complex sa Quezon City ang 217 certificates of canvass at 500 election returns mula sa Senado. Ayon kay Senate sergeant-at-arms, Jose Balajadia, inaasahan nilang maide-deliver “on-time” ang lahat ng C.O.C. sa Batasan Complex na gagamitin sa canvassing ng mga boto sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo, hanggang Hunyo a-kinse. Sinabi ni Balajadia na posibleng hindi na makaapekto sa proklamasyon ng bagong pangulo ang animnapu’t isa pang COC na kanilang hinihintay. Gayunman, tiyak anyang may malaking epekto ito sa proklamasyon ng bagong bise presidente. Sa partial tally ng Comelec, nangunguna sa pagka-bise presidente si Makati Mayor Jejomar Binay na lamang ng halos 800,000 boto kay Senador Mar Roxas. |







