You are here :  
Today is : Friday, 24 May 2013
Erap, Tiwalang Papabor sa Kanya ang Korte Suprema!
News - Major News
Thursday, 21 January 2010 03:25

Kumpiyansa si dating Pangulong Joseph Estrada na pagtitibayin ng Korte Suprema ang desisyon ng Comelec na maari itong kumandidato sa May 10 presidential election.

Sinabi ni Erap na pinaghandaan niya ang bagay na ito kaya tinipon niya ang legal experts, mga abogado at maging retiradong justices at deans ng law schools para pag-aralan ang legal implications nang pagtakbo niyang muli bilang pangulo.

Ginawa ni Estrada ang pahayag matapos itong balaan ni dating Pangulong Fidel Ramos na maaga pa para magdiwang si Erap dahil posibleng i-akyat sa Supreme Court ang ruling ng Comelec.

Aarangkada na rin ang provincial sorties ni dating Pangulong Joseph Estrada matapos ibasura ng Comelec ang disqualification case sa kanyang muling pagtakbo.

Kumpiyansa rin ang dating pangulo na makababawi na sa mga susunod na survey matapos siyang paboran ng Comelec.

Ilang supporter na rin ang nag-alok ng tulong kay Estrada upang masimulan na ang kanyang TV ads.

Matapos makaiskor sa Comelec, umaasa rin si estrada na papaboran siya ng supreme court sa disqualification case na isinampa ng grupong Vanguard.

 

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000