You are here :  
Today is : Wednesday, 22 May 2013
Comelec Commissioner Nicodemo Ferrer, Nagsalita na Ukol sa Hello Garci Part 2!
News - Major News
Monday, 24 May 2010 08:59

Itinanggi ni Comelec Commissioner Nicodemo Ferrer na boses nito ang nasa CD na umanoy naglalaman ng usapan nila ni DILG Secretary Ronaldo Puno.

Kaugnay ito sa sinasabing pagmaniobra sa resulta ng May 10 automated elections.

Sinabi ni Ferrer na mayroon na itong kopya ng CD at plano niya itong i-turnover sa NBI para maimbestigahan.

Ang audio recording sa sinasabing “Hello Garci Part 2” ay ibinunyag ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na unang nakatanggap ng kopya ng CD.

Ayon kay Pimentel, ang buod ng usapan ay kung paano mababago ang resulta ng halalan sa pamamagitan ng pag-maniobra sa PCOS machines.

Tiniyak din ni DILG Assistant Sec. Bryan Yamsuan, spokesman ni Puno na hindi sa kalihim ang boses sa CD at katunayan ay hindi nito kilala ng personal si Ferrer.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000