You are here :  
Today is : Wednesday, 22 May 2013
Pagpapatalsik kay Ombudsman Gutierrez, Isa sa mga Target ng Susunod na Administrasyon!
News - Major News
Wednesday, 19 May 2010 08:49

Pag-aaralan ng kampo ng nangungunang presidential candidate na si Senador Benigno “Noynoy” Aquino kung paano mapaaalis si Ombudsman Merceditas Gutierrez na sinasabing “devoted” kay Pangulong Gloria Arroyo.

Inihayag ni Quezon Representative Erin Tañada na kabilang sa mga posibleng opsyon ang impeachment, pagkwestyon sa ligalidad ng pananatili bilang Ombudsman at forced resignation.

Iginiit ni Tañada na hindi maaring manatili sa Ombudsman si Gutierrez dahil hindi ito makatutulong sa isinusulong na anti-corruption campaign ni Aquino.

Sa kabila ng pahayag ni Gutierrez na isa itong independent, hindi naman ito kinakitaan ng aksyon sa mga anomalyang bumalot sa pamahalaang Arroyo.

Kabilang dito ang Megapacific automation project; robbery and extortion case laban kay dating Justice Secretary Hernando Perez; 728-million pesos na Fertilizer Scam; pagsasabwatan sa road projects na pinondohan ng World Bank; at ang NBN deal.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000