| Kamara, Sinimulan ang Imbestigasyon sa Hocus PCOS! |
| News - Major News |
| Wednesday, 19 May 2010 07:33 |
|
Bahagi ng pagsisimula ng hearing ng House Committee on Electoral Suffrage and Reforms ang pagsalang sa recorded audio ng whistleblower na nagbunyag sa umano’y dayaan sa automated elections. Nagsimula ang pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Makati Congressman Teddy “Boy” Locsin sa umano’y dayaan sa katatapos lamang na halalan, kaninang ala-una. Kabilang sa mga dumalo sina Comelec Chairman Jose Melo; Commissioners Gregorio Larrazabal at Nicodemo Ferrer; Comelec Spokesman James Jimenez; mga kinatawan ng Smartmatic-TIM at PPCRV. Sumipot din sa hearing sa tinaguriang “Hocus PCOS” ang mga natalong kongresista gaya nina Victor Agbayani ng Pangasinan, Liwayway Vinzons-Chato ng Camarines Norte, Monico Puentebella ng Bacolod City at Matias Defensor ng lungsod Quezon. |







