| Korte Suprema, Hindi Magiging Kalaban o Kakampi ni Incoming President Noynoy Aquino – Corona |
| News - Major News |
| Tuesday, 18 May 2010 08:31 |
|
Aminado si Chief Justice Renato Corona na hindi sila magiging kaibigan o kakampi ni in-coming president, Senador Noynoy Aquino. Nilinaw naman ng punong mahistrado na hindi ito nangangahulugan na dapat silang tratuhing kalaban ni Aquino. Ipinaliwanag ni Corona na hindi maganda sa demokrasya kung malapit ang pangulo ng bansa at Chief Justice. Ito aniya ay dahil ang lahat ng aksyon ng presidente na may ligal na implikasyon ay sila ang pinal na magdedesisyon. Itinuturing namang hamon ni Corona ang aniya’y pangangantiyaw sa kanya ng mga kritiko na magiging pananggalang siya ni Outgoing President Gloria Arroyo kapag bumaba na ito pwesto sa June 3o. Kasabay nito ay umapela si Corona sa publiko na bigyan ito ng pagkakataon na patunayan ang kanyang kakayahan at paraan ng pagde-desisyon sa mga kaso bago siya husgahan. Hinamon din ng punong mahistrado ang kanyang mga kritiko na bantayan ang kanyang performance at ilabas ang kanilang mga puna pagkalipas ng isang taon. Bago naging Chief Justice, si Corona ay nagsilbi bilang presidential chief of staff, presidential spokesperson at acting executive secretary ng arroyo administration.
|







