| 9 sa 12 Senador, Naiproklama na ng Comelec! |
| News - Major News |
| Saturday, 15 May 2010 08:20 |
|
Naiproklama na ng Commission on Elections ang siyam sa 12 nanalo sa senatorial race sa halalan noong ika-10 ng Mayo. Bilang National Board of Canvassers, idineklara ng Comelec na ang nangungunang senador ng 15th Congress ay si Senator Ramon Bong Revilla Jr., ng Lakas Kampi at ikalawa naman si Senador Jinggoy Estrada ng Pwersa ng Masang Pilipino.
Kabilang sa siyam sina Miriam Defensor Santiago, Franklin Drilon, Juan Ponce Enrile, Pia Cayetano, F.erdinand Marcos, Ralph Recto at Vicente "Tito" Sotto III. Personal na dumalo sina Cayetano, Enrile, Estrada, Recto, Revilla at Sotto sa proklamasyon sa PICC. Tanging si Marcos lamang ang first-timer sa mga Senador - ang iba ay pawang mga re-electionists o mga nagbabalik sa Senado. Kabilang sa mga posibleng pumasok sa final 3 slot sina Serge Osmeña, Lito Lapid at Teofisto Guingona III maging si Risa Hontiveros-Baraquel. Ang 12 kasalukuyang incumbent na mga senador sina Gregorio Honasan, Loren Legarda, Francis Pangilinan, Antonio Trillanes IV, Panfilo Lacson, Juan Miguel Zubiri at Manuel Villar Jr na magiging bahagi rin ng susunod na Kongreso. |







