| Constitutional Crisis, Ibinabala ng Malakanyang sa Hindi Pagtanggap ni Noynoy sa Bagong Chief Justice! |
| News - Major News |
| Friday, 14 May 2010 08:28 |
|
Nagbabala ang Malakanyang na posibleng mauwi sa constitutional crisis ang banta ni Senador Noynoy Aquino na hindi nito kikilalanin si incoming Supreme Court Chief Justice Renato Corona. Nababahala rin si Deputy Presidential Spokesperson Charito Planas na maaari rin itong maging daan sa lalo pang pagkakawatak-watak ng taumbayan. Dapat aniyang isipin ni Aquino na ang appointment kay Corona ay base sa ruling ng Korte Suprema at dumaan sa pagbusisi ng Judicial and Bar Council. Payo ni Planas, imbes na isnabin ni Aquino si Corona, makabubuting igalang nito ang Saligang Batas at nakatitiyak itong tataas pa ang pagtingin sa kaniya ng mga Filipino at buong mundo. Mas magiging respetado rin aniya si Aquino kung manunumpa ito kay Corona bilang paggalang sa isang co-equal branch ng gobyerno.
|







