You are here :  
Today is : Friday, 24 May 2013
Noynoy Aquino, Naghahanap na ng Magpapanumpa sa Kanya!
News - Major News
Friday, 14 May 2010 06:12

Naghahanap na si Senador Noynoy Aquino ng magpapanumpa sa kanya bilang ika-15 pangulo ng bansa.

Nanindigan si Aquino na hindi nito kikilalanin  ang itinalagang susunod na Chief Justice ni Pangulong Gloria Arroyo na si Associate Justice Renato Corona.

Noong 1986, si yumaong Pangulong Cory Aquino ay pinanumpa ni Associate Justice Claudio Teehankee samantalang pinanumpa ni dating Chief Justice Ramon Aquino ang yumaong Pangulong Ferdinand Marcos.

Aminado naman ang malakanyang  na may kalayaan si Sen. Noynoy Aquino na mamili kung kaninong opisyal ito manunumpa bilang  bagong presidente.

Nilinaw ni Presidential Spokesman Ricardo Saludo na hindi requirement sa Saligang Batas na manumpa ang presidete sa punong mahistrado dahil nakagawian lamang ito o naging tradisyon.

Gayunman, hindi aniya maganda  sa imahe ng bagong administrasyon at bansa kung tatanggi si Aquino na manumpa kay incoming  Supreme Court  Chief Justice  Renato Corona.

Iginiit naman ni Saludo na sakaling panindigan ni aquino na hindi ito manunumpa kay Corona,  hindi niya ito maaring itatwa  na siya ang bagong punong mahistrado.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000