You are here :
Today is : Thursday, 23 May 2013
--- Malakanyang, Wala Pang Planong Pauwiin ang mga Pinoy sa Taiwan at Magreklamo sa UN --- Mga Pinoy, Ligtas sa Pananalasa ng Buhawi sa Oklahoma USA --- Comelec, Planong Ipagpaliban ang Barangay Elections sa Oktubre --- 12 Bagong Set ng mga Senador, Naiproklama na! --- Pilipinas, Umapela sa Taiwan na Irespeto ang Karapatan ng mga Pinoy Worker --- Comelec Chairman Sixto Brillantes, Muling Nagbanta na Magbibitiw sa Pwesto --- DOLE, Itinangging May Freeze Order ang Taiwan sa mga OFW --- 94, Arestado sa Vote-Buying --- PRC Commissioner, Sinibak ng Ombudsman --- Proklamasyon ng Anim na Nanalong Senador, Kinuwesyon ---
| Pangulong Arroyo, Posibleng Maging Unang Babaeng House Speaker! |
| News - Major News |
| Wednesday, 12 May 2010 08:21 |
|
Sa kauna-unahang pagkakataon, inamin ng Malakanyang ang posibilidad na si Pangulong Gloria Arroyo ang maging kauna-unahang babaeng House Speaker. Sinabi ni Executive Secretary Leandro Mendoza na malaki ang maitutulong ni Ginang Arroyo sa susunod na administrasyon bilang kongresista o speaker. Sa pagbaba ni Ginang Arroyo bilang pangulo, manunungkulan naman ito bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga. Naniniwala rin si Negros Occidental Congressman Iggy Arroyo na target ng kanyang hipag ang pinakamataas na pwesto sa Kamara. Ayon kay Iggy, sapat ang bilang ng mga kaalyado ni Ginang Arroyo para makuha nito ang House Speakership. |







