| Paghirang ni PGMA ng Bagong Chief Justice, Binanatan ni Noynoy! |
| News - Major News |
| Wednesday, 12 May 2010 08:14 |
|
Sa halip na humupa ang gulo matapos ang mapayapang halalan ay nagliyab muli ang tensyon sa pulitika. Ito’y nang kuwestyunin ng posibleng susunod na pangulo na si Senador Noynoy Aquino ang pagtatalaga ni Pangulong Gloria Arroyo kay Associate Justice Renato Corona bilang susunod na punong mahistrado. Iginiit ni Aquino na mali ang ginawa ng pangulo na magtalaga ng chief justice dahil sa Lunes pa matatapos ang termino ni Chief Justice Reynato Puno. Ipinaalala ni Aquino kay Ginang Arroyo na walang vacancy sa Korte Suprema na dapat punan at mali na magtalaga ng “Chief Justice in waiting”. Idinagdag nito na kung meron man dapat pagka-abalahan si Ginang Arroyo, ito ay ang paghandaan ang maayos na paglilipat ng liderato ng bansa sa June 30. |







