| Comelec, Kontento sa Kauna-unahang Automated Elections sa Bansa! |
| News - Major News |
| Wednesday, 12 May 2010 02:27 |
|
Kuntento ang Comelec sa kinalabasan ng halalan sa buong bansa. Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na magsasagawa sila ng post election validation sa susunod na linggo upang i-assess ang epekto ng clustering ng mga presinto. Aminado si Jimenez na naging problema sa buong bansa ang mahabang pila dahil sa clustering at maiiwasan ito sa pamamagitan ng pagbabawas ng bilang ng mga clustered precinct. Samantala, 200 percent ang ibinaba ng election related incidents noong May 10 elections sa buong bansa kumpara noong 2004 at 2007 elections. Sa kabila nito, sinabi ni PNP Spokesman, Chief Supt. Leonardo Espina na mananatiling naka-alerto ang PNP partikular sa mga lugar na hindi pa tapos ang bilangan. Mananatili rin aniya ang security plans sa mga polling precinct kung saan isasagawa ang special election kabilang ang ilang bayan ng Lanao del Sur, isang bayan sa Basilan at tig-isang presinto sa Sarangani, Iloilo at Eastern Samar. |







