You are here :  
Today is : Friday, 24 May 2013
NP Presidential Candidate Manny Villar, Nagconcede na!
News - Major News
Tuesday, 11 May 2010 07:27

“Congratulations Noynoy!”

Ito ang naging pagtatapos ng pahayag ni Nacionalista Party standard bearer Manny Villar sa pagtanggap nito ng pagkatalo sa presidential race.

Inamin ni Villar na nalulungkot siya sa iba’t ibang isyu at alegasyong ibinato sa kanya sa gitna ng kampanya kasabay ng pag-asang mabibigyan ito ng pagkakataong linawin sa taumbayan ang kanyang panig.

Pinasalamatan nito ang Diyos at lahat ng mga nakasama sa kanyang laban partikular ang kanyang pamilya na anya’y labis na nasaktan at naapektuhan sa mga paninira sa kanya.

Sinabi ni Villar na bagaman hindi siya pinalad na matupad ang kanyang pangarap na tapusin ang kahirapan, ipagpapatuloy niya ang kanyang pagtulong sa mahihirap sa ibang paraan.

Tiniyak din nito ang kanyang suporta sa kanyang mga kapartido hanggang matapos ang bilangan ng mga boto.

Nagpasalamat din ito sa mga kagawad ng media kasabay ng pangakong hindi nito makalilimutan ang kanilang pinagsamahan sa kampanya habang siya’y nabubuhay.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000