You are here :
Today is : Sunday, 19 May 2013
--- Pilipinas, Umapela sa Taiwan na Irespeto ang Karapatan ng mga Pinoy Worker --- Comelec Chairman Sixto Brillantes, Muling Nagbanta na Magbibitiw sa Pwesto --- DOLE, Itinangging May Freeze Order ang Taiwan sa mga OFW --- 94, Arestado sa Vote-Buying --- PRC Commissioner, Sinibak ng Ombudsman --- Proklamasyon ng Anim na Nanalong Senador, Kinuwesyon --- Nancy Binay, Hindi Sumipot sa Kanyang Proklamasyon Bilang Senador --- Anim na Nanalong Senador, Naiproklama na! --- 12 Nanalong Kandidato sa Pagkasenador, Ipoproklama sa Myerkules ng Gabi --- Tensyon sa Bahay ng mga Revilla sa Cavite, Pinaiimbestigahan ng DOJ ---
| Comelec, 30 Araw ang Palugit para Ulitin ang Halalan sa mga Nagkaroon ng Failure of Elections! |
| News - Major News |
| Monday, 10 May 2010 09:35 |
|
May tatlumpung (30) araw ang Comelec para i-reschedule ang halalan sa mga lugar na idineklarang failure of elections. Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, base sa Omnibus Election Code, ang failure of election ay idininideklara sa mga lugar kung saan hindi naisagawa ang halalan sa itinakdang petsa o sinuspindi ito bago ang itinakdang oras. Maari ring ipatupad ang suspension pagkatapos ng botohan at habang tina-transmit ang election returns. Samantala, aminado ang Comelec na ang voter verification process dahilan kaya mahaba ang pila sa mga polling precinct.
Ipinaliwanag ni Comelec Spokesman James Jimenez na mano-mano ang pagberipika sa pagkakakilanlan ng botante kaya hindi maiwasan na matagalan sa proseso.
Ipinagmalaki naman ni Jimenez na base sa report ng kanilang field officers ay “greater than normal” ang turnout ng on-going automated election.
|







