You are here :  
Today is : Sunday, 19 May 2013
Website ng Resulta ng Halalan, Ilalabas ng Comelec!
News - Major News
Monday, 10 May 2010 09:33

Ilalabas ng Comelec ang uniform resource locator  o  u.r.l.  ng website kung saan makikita ang election results, ngayong hapon o gabi.

Ipinaliwanag ni Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal na nagpasya silang i-delay ang paglalabas ng u.r.l. para maiwasan ang posibleng insidente ng hacking.

Una nang inanunsyo ng poll body na ire-release nila ang website address, isang araw bago ang halalan.

Hindi available ang website ng Comelec dahil sa hindi inaasahang dami ng bumibisita ngayong araw ng eleksyon.

Gayunman, sinabi ni Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal na  gumawa sila ng paraan para matulungan pa rin ang mga botante na mahanap ang kanilang presinto sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang Information Technology Department.

Ang mga hotlines na maaring tawagan ay 527-0841;  527-2773;    527-2772;   527-0822;   526-7769    at   526-7770.

 

Comments  

 
-1 #1 2010-05-11 09:35
grabe unavailable ang website ng comelec..... anu ba yun.....
 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000