You are here :  
Today is : Wednesday, 22 May 2013
Ilang Lalawigan, Binulabog ng Pagsabog!
News - Major News
Monday, 10 May 2010 07:31

Binulabog ng mga pagsabog ang halalan sa ilang lalawigan.

Tatlong magkakasunod na pagsabog ang naitala malapit sa Marawi State University,  alas-7, kanina.

Sinundan ito nang sumambulat ang isang sport utility na nakaparada sa harapan ng isang elementary school sa barangay Saduk, Marawi City.

9:15 ng umaga nang sumabog ang dalawang M203 grenades, 250 metro ang layo sa isang polling precinct sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao.

Dalawang lalaki naman ang naghagis ng granada sa Sazez Elemetary School sa barangay poblacion sa bayan ng Shariff Aguak.

Nagkaroon din ng mga pagsabog sa mga bayan ng Datu Unsay, Datu Sangki at Buldon.

Sa La Union, isang hindi pa matukoy na eksplosibo ang sumabog sa loob ng comfort room sa San Nicolas Academy sa bayan ng Balaoan.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000