| Testing ng PCOS Machine, Hindi Natuloy! |
| News - Major News |
| Tuesday, 04 May 2010 04:10 |
|
Kanselado ang testing at sealing ng mga Precinct Count Optical Scan o PCOS machine ngayong araw na ito. Nagdesisyon ang Comelec na kanselahin ang testing matapos magka-aberya kahapon ang mga makina na isinailalim sa testing sa Makati, Muntinlupa, Pateros, Batangas at Mindoro.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, posible i-rerecall ang mga memory card sa mga PCOS Machine na una nang ipinadala sa mga lalawigan. Sa kabila nito, nilinaw ni Jimenez na mas mabuting maaga nilang natukoy ang problema sa mga makina para mahanapan ng solusyon bago ang araw ng halalan, sa Lunes. Mahigit 15000 PCOS machines ang nakatakda sanang isailalim sa pagsusuri ngayong araw na ito. Nakatakda ang testing sa mga PCOS machine tatlo hanggang pitong araw bago ang May 10 elections.
|







