| Overseas Absentee Voting, Patuloy na Nilalangaw! |
| News - Major News |
| Monday, 03 May 2010 03:08 |
|
Labintatlong porsyento (13%) pa lamang ng 589,830 registered voters ang bumoto sa Overseas Absentee Voting. Sa report ng Department of Foreign Affairs - OAV Secretariat, as of April 30, 80,129 ang bumoto simula nang mag-umpisa ang OAV noong ika – 10 ng Abril. Pinakamarami ang bumoto sa Philippine Consulate General sa Hong Kong, 22,607. Sumunod ang Philippine Embassies sa Riyadh, 6,182 at Singapore, 4,928. Kabilang din sa diplomatic posts na mayroong mataas na bilang na lumahok sa OAV ay ang Consulate General sa Jeddah; Philippine Overseas Labor Office sa Al Khobar; Embassy sa Kuwait; Consulate General sa Los Angeles; embassy sa Abu Dhabi; Consulate General sa New York at embassy sa London. Ang OAV ay hanggang ika-10 ng Mayo, 8:00 AM hanggang 6:00 PM, oras sa Pilipinas.
|







