| Parallel Manual Count, Ibinasura ng Comelec! |
| News - Major News |
| Thursday, 29 April 2010 06:31 |
|
Ibinasura ng Comelec ang panukalang parallel manual count sa May 10 elections. Gaya ng sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez, kahapon, unanimous ang desisyon ng mga miyembro ng poll en banc sa petisyon na inihain ng grupo ng mga negosyante at abogado. Ipinaliwanag ni Jimenez na bubuhayin lamang ng parallel manual count ang mga dating uri ng pandaraya sa mano-manong bilangan gaya ng dagdag-bawas. Aniya, walang ligal na basehan ang parallel manual count at hindi nila ito maaring pahintulutan. Binigyan-diin ni Jimenez na tanging random manual audit ang pinapayagan sa ilalim ng Poll Automation Law. Hiniling ng Makati Business Club at Philippine Bar Association sa Comelec na magsagawa ng parallel manual count para laong pagtibayin ang kredibilidad ng automated elections. |







