You are here :  
Today is : Thursday, 23 May 2013
Pagkakasangkot ni SC Justice Velasco sa Partisan Politics, Pinanindigan ng Mediaman na si Vitug!
News - Major News
Tuesday, 27 April 2010 06:32

Pinanindigan ni Newsbreak editor-in-chief Marites Danguilan-Vitug ang integridad ng kanyang artikulo hingil sa umano’y pagkakasangkot ni Supreme Court Associate Justice Presbitero Velasco sa partisan politics.

Naghain kanina sa Manila Prosecutor’s Office ang kampo ni vitug ng counter-affidaviot sa 1 million-libel suit na isinampa sa kanya ni Velasco.

Iginiit ng isa sa mga abogado ni Vitug na si Arno Sanidad na dapat ibasura ang reklamo laban sa kanilang kliyente dahil nilalabag nito ang “freedom of speech” at “right of the public to know matters of public importance”.

Nag-ugat ang kaso sa istorya hinggil sa umano’y paggamit ni Velasco ng kanyang impluwensya sa mga lokal na opisyal sa Marinduque upang suportahan ang congressional bid ng kanyang anak na si Lord Allan.

Nanindigan si Vitug na ang istorya ay ibinatay sa kanilang research at pahayag ng mga taong kanilang nakapanayam sa lalawigan at hindi ito naglalayong siraan ang mahistrado.

Binigyan naman ng korte si Velaso ng hanggang Hunyo a-uno upang sagutin ang counter affidavit ni Vitug.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000