| Disqualification Case Laban kay Erap, Ibinasura ng Korte Suprema! |
| News - Major News |
| Tuesday, 19 January 2010 08:29 |
|
Pinal nang ibinasura ng Korte Suprema ang disqualification case ng grupong Vanguard laban kay dating Pangulong Joseph Estrada sa pagtakbo nitong muli sa pagkapangulo sa Mayo. Inihain ni Atty. Elgio Mallari ng Vanguard of the Philippine Constitution Inc. ang petisyon batay sa Article VII, Section 4 ng 1987 Constitution na nagsasabing hindi eligible sa re-eleksyon ang isang naging pangulo na ng bansa.
Sinabi ni Supreme Court Spokesman Jose Midas Marquez na walang mabigat na argumento sa petisyon kaya’t ibinasura ito. |







