You are here :  
Today is : Saturday, 25 May 2013
Imbestigasyon ng BJMP sa Press Conference ni Andal Ampatuan Jr., Tatapusin sa Loob ng 5 Araw!
News - Major News
Thursday, 22 April 2010 03:38

Tatapusin ng Bureau of Jail Management and Penology sa loob ng limang araw ang kanilang internal investigation sa presscon ni Andal Ampatuan Jr. sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig noong Martes.

Sinabi ni BJMP Deputy Chief for Operations, Chief Supt. Doris Dorigo  na malalaman sa pagsisiyasat kung dapat managot o  hindi  ang hindi nito pinangalanang BJMP personnel na may kinalaman sa presscon ng pangunahing akusado sa Maguindanao Massacre.

Ibinunyag ni Harry Roque, abogado ng pamilya ng mga biktima ng masaker na nakatanggap ng text invitations ang mga kagawad ng media mula sa mga gwardya ni Andal Jr.

Sa presscon, inendorso ni Andal Jr. ang kandidatura ni Liberal Party standard bearer Noynoy Aquino.

 

Related News

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000