| Press Sec. Serge Remonde, Sumakabilang Buhay na! |
| News - Major News |
| Tuesday, 19 January 2010 03:36 |
|
Ayon kay Dr. Eric Nubla ng Makati Medical Center, 11:51 nang ideklarang pumanaw na ang kalihim. Isinugod si Press Remonde sa Makati Medical Center kung saan ito sinikap na i-revive ng mga doktor matapos matagpuan ang kalihim na walang malay sa loob ng CR sa kanilang tahanan sa Belair, Makati.
Bagamat walang karamdaman, mataas ang blood sugar ni Remonde ngunit maingat naman umano ito sa pagkain. Ayon sa doktor ni Remonde na si Dr. Anthony Leachon, sumailalim ang kalihim sa surgical spine operation noong 2007. Sinabi ni Leachon na posibleng cardiac arrest secondary to myocardial infarction ang ikinasawi ni Remonde. Ipinarating naman ni Executive Secretary Eduardo Ermita ang pakikiramay at pagluluksa ni Pangulong Gloria Arroyo at ng mga kasamahan ni Remonde sa Malakanyang na itinuturing nilang kaibigan. Isinilang sa Argao, Cebu si Remonde at nakapagtapos ito ng Magna Cum Laude sa Bachelor of Arts, sa University of the Visayas. Naging matagumpay na journalist si Remonde sa Visayas at nakatanggap ito ng mga parangal na Most Outstanding Visayan in the field of Mass Media noong 1998 at Most Outstanding Cebuano noong 1999. February 2009 nang hirangin si Remonde bilang Press Secretary. Yumao si Remonde sa edad na 51. |









Pumanaw na si Press Secretary Serge Remonde.
